Friday, June 21, 2013

RIZAL: PUNK-bansang bayani!

Pagbukas ko ng facebook account ko kaninang umaga ay mina-machine gun ng NBA feeds ang wall ko.. Kahit nung December 19,game 6 ng NBA bihira ang nakaalala sa bortdey ng tropapipz nating si Rizal. Kung buhay kaya si pareng Pepe,isa kaya siyaa sa mga makikipagpustahan kung sino mananalo? Ano na lang kaya ang sasabihin nya pag nakita nya ang porma ng mga jejemon,sa buhok kong may impluwenxa na ngmga banyaga at tanungin nya kaya ako kung bakit IMPLUWENXA ang spell ko imbes na IMPLUWENSIYA.. Makikita rin ni rizal na karamihan sa mga librong inilalabas ng mga pinoy ay pangkaraniwang nasa may liblib na lugar ng mga bookstore.ANYARE? Sa tingin nyo ba magiging proud siya sau bilang kinabukasan ng bayan n
at sa henerasyon mo?

Monday, May 30, 2011

Buhay ng Isang Pinoy Employee

Grabe hirap ng buhay ngayon. Kaya minsan ang sarap pa maging bata e.noon, problema mo lang kung ANO lang ang babaunin mo sa skwelahan. Ngayon ang problema mo ay kung SAAN kukuha ng pang baon mo. Gets nyo ba? Dati-rati ang 100 piso ko, eh kayang bumili ng 3litro ng gasolina. Ngayon, swerte kung abutin ng 1.9 litro yun. As of 9:15pm today, 53.60 ang gas.tataas ng piso.hmp. Pero bababa rin naman ng .25.wow astig! Plus 4 minus 1.

Araw-araw iba't-ibang mukha ng paghihirap ang natutunghayan ko. Ang mga batang sa sobrang gutom e rugby na lang ang tinitira, habang ang mga magulang, lalo na si itay, eh malaki na ang tyan kakainom. Magician. Pag pangkain ng pamilya wala mahugot. Pero pag pang toma, daig pa si david blaine sa bilis ng kamay. Sana nga tama ang naging desisyon ng madlang people sa pagboto kay pareng noynoy. Ipagpapatuloy ko- yan ang sabi nya nung campaign period. Sana nga.

Isa sa mga paghihirap na talagang ramdam ko ay ang hirap ng pagiging isang empleyado. Sapat ang sahod--pambayad sa utang.magaling hindi ba? Humihingi ang mga empleyado ng dagdag na 100++ sa sahod, idadagdag lang 15.saan ka pa? Kailangan pa nating magmakaawa sa konting dagdag pasahod, samantalang sila eh automatic nang kumakaltas ng tax sa atin. Hindi ko malaman sa ngayon paano pagkakasyahin tong kakarampot kong sahod para mabayaran ang utang. Ang MGA utang ko..

Ang tanging mahalaga sa ngayon ay gumawa tayo ng paraan para umunlad, wag puro problema ang iniisip. Minsan di natiin maiwasan 'to pero DAPAT iwasan.

SOLUSYON ANG ISIPIN, HUWAG ANG PROBLEMA.